Wednesday 1st July 2020
f-icon twit-icon insta-icon
   
Jun 22, 2020 @ 13:24
Sharing is Caring!

‘ETO NAAA! Hindi uubra ang pa-blind item kay Sharon Cuneta dahil deretsahan at walang preno siyang bumuwelta sa kaibigang showbiz reporter na si Ronaldo Carballo.

Sa verified Sharon Cuneta account sa Facebook, talagang nag-screenshot pa ang Megastar ng blind item na ipinost ng reporter sa FB account nito.

Kasi naman, napaka-obvious at amoy na amoy ang bahid ng bitterness ni Ronaldo sa kanyang blind item na tahasang sinagot ni Sharon.

Ayon sa Kapamilya star, may pagka-inggrato naman din ang reporter na ito na inilarawan pa niya bilang “former friend” – na ang unang break sa showbiz writing career ay ipinagkaloob ng Viva Films sa ilalim ng kanyang first movie, na naging kaibigan niya sa mahabang panahon dahil sa kababang-loob nito, at pinalasap pa ng kanyang nanay at pamilya ng pagmamahal dahil mukhang hindi siya ng love ng mama niya… Chos!

Ang lalim naman pala kasi nang pinagsamahan nila noon… ‘anyare ngayon?

Iginiit din ni Mega na, “Sa nagdaang napakaraming taon, sinisiraan niya ako.”

Kaya sa huli, mala-pelikula man ang binitawan niyang mga linya pero talaga namang may pangil ang pagbabanta ni Sharon sa kanyang kontrabida sa pagsasabing, “Humanda ka. Binaboy mo kami ng mga anak ko. Lalo ang panganay ko. IBANG USAPAN NA ITO. KAHIT MAUBOS LAHAT NG IPON KO… basta HUMANDA KA… Ronaldo C. Carballo.”

Sharing is Caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2020 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..