Tuesday 7th July 2020
f-icon twit-icon insta-icon
   
Jun 27, 2020 @ 13:29
Sharing is Caring!

Binati ni Luis Manzano si Jessy Mendiola sa kanilang 4th year anniversary, pero mukhang iba naman ang gustong mangyari ng frenemy ng aktor na si Alex Gonzaga!

Sa Instagram, nauna nang nag-post ng sweet na anniversary shout out si Jessy para kay Lucky. Say ng aktres sa caption ng kanilang beach photo, “Happy 4th anniversary. I love you.❤”

Sumagot naman si Luis sa kanyang “howhow” at inihayag na looking forward pa siya sa many more years ng kanilang pagsasama.

View this post on Instagram

Happy 4th anniversary. I love you.❤️

A post shared by Jessy Mendiola (@senorita_jessy) on


Kaya siyempre, ang Kapamilya TV host naman ang bumati kay howhow sa kanyang IG at sinabing, “4 years of ups, downs… and so much more! Happy 4th howhow ❤️❤️”

Bumuhos ang mga pagbati mula sa fans at showbiz friends ng celebrity couple, pero ang pinaka-agaw-eksena at nag-standout sa lahat ay ang komento ni Alex na kilalang notorious sa pang-aasar kay Luis!

“Luhod na!!!,” sigaw ni Alex (@cathygonzaga) sa larawan nina Luis at Jessy sa harap ng Taipei 101 na mistulang nag-eexpect ng….

Proposal!
Nakakaloka ang commenters, ha!

Sharing is Caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2020 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..