Sam at Anthony intimate ang civil wedding: Engrandeng kasal sa December gagawin

Sam at Anthony intimate ang civil wedding: Engrandeng kasal sa December gagawin

NAPAKA-SOLEMN, napaka-ganda ng nangyaring civil wedding nina Sam Pinto at basketball player Anthony Semerad noong Lunes.

Ibinahagi ni Sam ang kanilang kasal sa Instagram account niya na ipinakita ang kanilang pictures ni Anthony. Ginanap ang kanilang kasal sa isang rooptop na napapalibutan ng maraming bulaklak kasama ang apat na guests.

May caption ang apat na pictures na ipinost nito ng, “Forever has a nice ring to it. (ring emoji).

“Not really a chessy type of person buuuutttt I promise to spend the rest of my decades with you! I am so ready for our future to rock our world @anthonysemerad.”

Sa Instagram Stories naman ay ibinahagi ni Anthony ang short video nila ni Sam na tinanong niya ang asawa ng, “Mrs. Semerad, how are you?”

Sinagot naman ito ni Sam ng, “Very good, thank you,” habang naka-white wedding gown at nakaupo across Anthony.

Ipinakita rin sa clip ang venue ng kasal, sa isang high-rise rooftop na roon din isinagawa ang intimate dinner kasama ang apat lamang na guests.

Bago ang kasal kahapon, nag-post muna si Sam sa kanyang IG ng, “Countdown to 03.08.21 OMG BUKAS NA!!!!

“Finally after a year of planning…Part 1 of our wedding is happening tomorrow!!! Part 2 is happening on December when (hopefully) our family and friends can fly here with less hassle and stress (pray emoji)

“Next batch of photos will be wedding photos.Pinto earlier said the “very small civil wedding” on March 8 will be followed by a “semi bigger wedding” by the end of the year.

“Claiming this is our year! Only peace, happiness, blessings and positive vibes! Everything that is happening is supposed to happen,” she said in a previous post.”

So asahan ang engrandeng kasal nina Sam, 31, at Semerad, 29 sa Disyembre ng taong ito.

Noong August 2018 unang inihayag ang relasyon nina Sam at Anthony at pagkaraan ng isang taon, engage na sila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *