WebClick Tracer

Kahit pandemic pa rin Regal tuloy lang ang mga pelikula

Kahit pandemic pa rin, isa ang Regal Entertainment, Inc. ng mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde sa masasabing matatag pa rin.

Ayon mismo kay Roselle, tuluy-tuloy pa rin ang kanilang mga proyekto.

Bukod sa online BL (boys’ love) series nila na ‘Ben X Jim’ na pinagbibidahan nina Jerome Ponce at Teejay Marquez, na siguradong may season 3 na raw, may ilang mga pelikula rin ang production company nina Mother Lily at Roselle.

“Nakatapos na nga kami ng ‘You’re Mine’ nina Tony Labrusca at Jane Oineza. Mahirap at mas magastos ngayon, pero ok naman.

“Medyo mas madali namang makatapos sa lock-in kasi hindi naglalagare ang mga artista.

“Kailangan lang maging maingat at mapatupad ang health and safety protocols para walang hassle,” sabi ni Roselle nang makausap namin.

Ngayong July ay dalawang pelikula ang sisimulan nila.

Una ‘yung ‘Seasons, Reasons, And A Lifetime’ na pagbibidahan nina Lovi Poe at Carlo Aquino.

“Sa Ilocos Norte kami maglo-location. Doon ang lock-in shooting. Kasama rin si Aljur Abrenica sa movie na ‘yan,” sey ni Roselle.

May comedy movie rin sila, ang ‘Bantay Bahay’ na pagbibidahan ni Pepe Herrera.

“Actually, comedy-horror ‘yung ‘Bantay Bahay’. Tuluy-tuloy lang naman kami. Ok naman,” dagdag pa ng anak ni Mother Lily. (Jun Lalin)