Details ni customer na-expose! Call center agent nag-live habang duty

Details ni customer na-expose! Call center agent nag-live habang duty

Nag-viral sa social media ang ginawa ng isang call center kung saan nag-live ito sa TikTok habang kausap ang customer (CX), na mahigpit na pinagbabawal sa isang BPO company ang paglantad sa mga impormasyon ng CX.

Sa Facebook post ni Sephie Laxamana, binahagi niya ang screenshot ng live ni glendmore_official, kung saan ayon sa kanyang caption ay na-expose umano ng Tiktoker/call center agent ang details ng tawag.

“Si vaklaaaa, naglive sa tiktok habang naka live call. All CC details ni CX, na-exclusivong, explosibong, exposé!” sey ni Laxamana.

Unang sinabi na na-pullout daw ang buong account dahil sa Tiktok live, ngunit isang katrabaho umano ni Glendmore ang nag-post na tuloy pa rin daw ang kanilang trabaho sa naturang account.

Samantala, deactivated na ang lahat ng social media account ni Glendmore sa Facebook, TikTok at sa Instagram.

https://www.facebook.com/sephie.kim.dingle/posts/10226421465503675

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *