Message ng kapatid ni Mahal kay Mygz: ‘Just pray for my sister…’

Message ng kapatid ni Mahal kay Mygz: ‘Just pray for my sister…’

Kahapon ay naka-chat namin si Irene Tesorero, kapatid ng yumaong comedienne na si Mahal (Noeme Tesorero sa tunay na buhay), na based sa Cleveland, Ohio, USA.

Sa pamamagitan ng Facebook Messenger kami nagpalitan ng messages ni Irene.

Nanghingi kami kay Irene ng update tungkol sa plano nilang pagpapalibing kay Mahal.

“Right now… we’re trying to get a schedule for viewing. Hopefully sa St. Peter sa Quezon City. Cremation probably soon. We’re waiting for my brother na si Jason na nasa Palawan,” sagot ni Irene.

So, hindi pa pala nake-cremate (bandang 12:30 pm na sa Philippines kahapon)?

“No dahil sa hinihintay pa kapatid ko na si Jason.”

Ano ang message niya sa mga fan ni Mahal na sobrang nalulungkot sa pagkamatay ng kanilang kapatid?

“Sa mga fan ng Ate ko, maraming salamat sa pakikiramay. Kahit kami still shocked sa bilis ng pangyayari,” sagot niya.

“Si Mygz (Molino) welcome ba sa burol? May mga nagpapatanong kasi?” tanong ko sa kapatid ni Mahal.

“Yes of course… why not?” balik-tanong ni Irene sa amin.

“Ang iba kasi nang-iintriga na baka sinisisi n’yo si Mygz, kasi hindi raw kaagad sinabi sa inyo na nagkasakit si Mahal?” paglilinaw namin.

“Of course there is always a doubt… if… why… but we have to put all this questions aside. ‘Di na maibabalik ang (buhay ng) kapatid ko,” sagot ni Irene.

“What’s your message to Mygz?” tanong pa namin sa kapatid ni Mahal.

“Just pray for my sister… Find peace in his heart,” pahayag pa ni Irene na kapatid ni Mahal. (Jun Lalin)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *