Para sa mga anak: LJ binaba pride para kay Paolo

Para sa mga anak: LJ binaba pride para kay Paolo

Inamin ni LJ Reyes na hindi mutual ang naging desisyon para magkahiwalay sila ni Paolo Contis.

Sa panayam ni Boy Abunda kay LJ, sinabi niya na naramdaman niyang nag-iiba na ang pakikitungo sa kanila ni Paolo sa mga nagdaang araw.

“Hindi siya mutual. Naniniwala ako kapag mutual isang decision, pareho kayong sumasang-ayon na hindi na nagwo-work yung relationship,” wika ni LJ. “Hindi po, e. Ramdam na ramdam ko naman po na ibang-iba na.”

Lahad ng aktres, kung dati ay home buddy si Paolo at ayaw lumabas ng bahay, sa mga nagdaang araw ay lagi na raw itong wala sa kanilang tahanan.

Aniya pa, nag-break na sila ngunit na-realize ni LJ na kailangan ng kanyang mga anak ng kumpletong pamilya.

Ngunit hindi raw sila muli tinanggap ni Paolo.

“Nagbaba na lang ako ng pride kahit ako yung nasasaktan. Titiisin ko po yun para sa mga bata. Kasi inisip ko, baka kailangan nila ng complete family,” lahad ni LJ.

“Tinanong ko siya, if he wants to take us back. Pero hindi na daw.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *