Si Yen nga ba? Paolo may kasamang bebot, nakakapit pa

Si Yen nga ba? Paolo may kasamang bebot, nakakapit pa

Dumadami ang mga ‘resibo’ kung saan spotted si Paolo Contis kasama ang ibang babae matapos pumutok ang hiwalayan niya kay LJ Reyes.

Isa sa lumabas ay ang Facebook story kung saan makikita si Paolo na may kasamang girl habang nasa Baguio raw.

Sa Tiktok video naman ni Mica Ancheta, isang babae at lalaki na may kapareho ng suot sa larawan sa Facebook story ang kumalat.

Bagama’t naka-face mask at face shield ang dalawa, tingin ng mga netizen ay si Paolo pa rin ito lalo’t kapareho ang suot nitong damit at pati ang tattoo sa braso.

Ayon sa uploader, August 27 naispatan si Paolo kasama ang isang babae na nakakapit pa sa kanya, kuha raw ito sa Manaoag Church sa Pangasinan, kalapit-probinsya lang ng Baguio.

Hindi naman klaro kung sino ang babae, ngunit kinakabit ang pangalan ni Yen Santos lalo’t leading lady niya ito sa movie na ‘A Faraway Land’.

Wala pa namang statement si Paolo at si Yen sa mga alegasyon na kumakalat sa social media.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *