Top 5 Baguio tourist spot na perfect for friends

Top 5 Baguio tourist spot na perfect for friends

Ray Mark Patriarca

Sobrang close niyo na ba ng tropa niyo kaya naisipan mo siyang yayain para mag-out of town as a friend? Kung ganon, Baguio City ang perfect place para sa inyo lalo’t ligtas kayo sa rumored break-up curse ng City of Pines!

Heto ang ilang tourist destination kung saan pwede kayong mag-hang out as friends.

 

BenCab Museum

Sa BenCab Museum, pwede kang magmuni-muni for three days kung gusto mo munang iwan ang iyong problema sa Manila at na-left out ka dahil bakasyon grande naman sa ibang bansa ang iyong family.

Syempre, kailangan mo rin ng friend na makakasama para mapag-usapan ang iba’t ibang interpretation niyo sa tribal at contemporary art sa naturang museum.

Colors of StoBoSa

Mabubusog naman ang mga mata niyo sa makulay na StoBoSa Hillside Homes Artworks, na pinagtulungang gawin ng komunidad ng Tam-Awan Village.

Abot sa 500 ang nag-volunteer para matapos ang proyekto na perfect for sightseeing.

Burnham Park

Kung burnout ka na sa life ay mae-enjoy mo rin kasama ang iyong friend ang sariwang hangin at magandang view sa Burnham Park, na isa sa mga pinakasikat na pasyalan sa Baguio.

Pwede kayong sumakay ng swan boat habang nililibot ang Burnham Lagoon, ngunit huwag madala sa romantic vibe ng lugar dahil friend nga lang ang kasama niyo.

Session Road

Kung nightlife ang hanap niyo, hindi syempre magpapahuli ang pamosong Session Road kung saan buhay na buhay ang tugtugan at pwedeng pwede rin ilabas ang mga rant sa inyong tropa.

Strawberry Farm

Sa bawat out of town ay hindi rin syempre mawawala ang mga pasalubong sa inyong mga babalikang dyowa at anak sa Maynila (kung meron man).

Sa murang halaga ay makakakuha na kayo ng libo-libong sweet na prutas, basta’t siguraduhin na strawberry lang ang pipitasin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *