Baka wala na umasikaso! Roque iwasan mong maospital – Ogie Diaz

Baka wala na umasikaso! Roque iwasan mong maospital – Ogie Diaz

“Pinairal mo ‘yung init ng ulo mo eh ikaw nga dapat ang tulay ng gobyerno sa mga health workers. Nakalimutan mo rin na hindi mo sila palamon para magtaas ka ng boses at dumuro-duro ka.”

‘Yan ang mensahe ni Ogie Diaz sa naging viral video ni presidential spokesperson Harry Roque kung saan maririnig na pinagsisigawan ng opisyal ang isang doktor sa IATF meeting.

Ayon kay Diaz, dapat ay naging kalmado lang ang tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte lalo’t hindi lang naman siya ang napapagod sa kanyang trabaho.

“Nakalimutan mo din na mas nasa panganib ang buhay nila kesa sa yo. Kaya wag lang trabaho mo ang isipin mo. Isipin mo din sila,” sambit pa nito.

Pinag-iingat din ng sikat na talent manager si Roque na huwag magkasakit dahil sa ngitngit sa kanya ng mga health professional ay baka wala nang gustong gamutin siya.

“Saka Sir Harry, alagaan mo ang health mo, ha? Iwasan mong maospital. Kasi, baka walang umasikaso sa yo sa ospital, dahil lang sa ginawa mong yan sa kanila.” (Mark Patriarca)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *