Ogie Diaz: Yen Santos wala pang anak!

Ogie Diaz: Yen Santos wala pang anak!

Maugong ngayon ang pangalan ni Yen Santos matapos siyang ma-link sa hiwalayan nina Paolo Contis at LJ Reyes, at ilang netizen ang bumubuhay sa isyu kung may anak na nga raw ba ang aktres?

Sa Youtube vlog ni Ogie, sinagot niya ang tanong sa social media kung totoo bang may supling si Yen sa isang politiko.

Sey ng talent manager, “Si Yen Santos daw ay may anak na, itinago lang daw. But the truth is, wala pong anak si Yen, yan po ang alam ko ha.”

Paliwanag ni Ogie, ang tinuturong anak ni Yen ay kapatid daw talaga ng aktres.

“Yun ay kapatid daw ni Yen na inanak sa binyag ng isang politician, kaya doon ay usap-usapan na anak yun ni Yen,” lahad pa ni Ogie.

Kung totoo rin daw na nabuntis si Yen ay malamang na hindi ito nakatakas sa mga ‘Marites’ at baka kumalat na ang larawang nagbuntis ito. (RMP)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *