Hiwalay na kay Christine Samson? Justin Vasquez todo emote sa Twitter

Hiwalay na kay Christine Samson? Justin Vasquez todo emote sa Twitter

Umugong ang rumor na hiwalay na sina Christine Samson at Justin Vasquez dahil sa mga tweet ng male singer kung saan tila broken-hearted ito.

Sa social media, pinag-usapan ang mga tweet ni Justin kung saan sinabi pa nito na ginawa raw siyang tanga ngunit hindi naman pinangalanan kung sino ang pinapatamaan niya.

Ilan pang senti tweet ang sunod-sunod na binahagi ni Justin.

May ilang netizen na nakapansin na naka-unfollow na rin sa isa’t isa sina Justin at Christine sa Instagram, at burado na rin ang mga larawan ng social media influencer sa account ng singer.

Wala pa namang pahayag si Christine at Justin hinggil sa rumored break-up ng couple. (Mark Patriarca)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *