6,315 pamilya inilikas sa bagyong Kiko

6,315 pamilya inilikas sa bagyong Kiko

Umabot umano sa 6,315 pamilya o 23,702 indibidwal ang naapektuhan ng bagyong Kiko sa apat na rehiyon, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon.

Ang naturang bilang ng pamilya na naapektuhan ng bagyong Kiko ay mula sa Regions 1, 2, 3 at Cordillera Administrative Region.

May 508 pamilya o 1,789 people ang dinala sa 62 evacuation centers, 785 pamilya o 2,094 katao naman ang nagpasyang makituloy na lamang sa mga kaanak at kaibigan.

Sa Cagayan ay may 2 bahay na nasira ng bagyo.

May 93 pasahero naman ang naistranded sa Ilocos, Cagayan, Central Luzon, Calabarzon, Soccsksargen, at Cordillera noong kasagsagan ng bagyo

Ang bagyong Kiko ay lumabas na sa Philippine Area of Responsibility noong hapon ng Linggo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *