Klase sa Dagupan sa October 4 pa mag-uumpisa

Klase sa Dagupan sa October 4 pa mag-uumpisa

Isang araw bago ang nakatakdang school opening, nagdesisyon si Dagupan City Mayor Marc Brian Lim na iatras ito at gawin na lamang sa Oktober 4 dahil sa patuloy na banta sa kasalusugan ng publiko.

Sa Executive Order (EO) No. 29 na inisyu noong nakaraang Sabado ng gabi, sinabi ni Lim na ang postponement ay kinabibilangan ng mga school activities na nangangailangan ng face-to-face interaction at mass gathering kasama na ang pamamahagi ng self-learning modules na itinuturing na health risk.

Hindi naman umano saklaw ng kautusan ang mga school activities na walang pisikal na presensya o face-to-face interaction.

“The EO shall not cover the operation of schools previously permitted to open and which had already started, or with ongoing classes through cloud and video conferences and other remote platforms which do not require face-to-face interaction,” pahayag ni Lim.

Aniya, nakiusap ang Dagupan City Public School Teachers and Employees Association Inc. sa pamahalaang lungsod na iantala muna ang pagbubukas ng klase dahil sa panganib na magkahawahan sa COVID-19 ang mga teachers at school personnel na kailangang magpunta sa mga paaralan para sa paghahanda at distribusyon ng mga modules. (PNA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *