Manghihilot, albularyo pinakukuha ng lisensiya

Manghihilot, albularyo pinakukuha ng lisensiya

Itinutulak ni Senador Manny Pacquiao ang panukalang batas para obligahin ang mga practitioner ng traditional and alternative medicine na kumuha ng lisensiya para makapanggamot.

Ayon sa Senate Bill No. 1308 ni Pacquiao, nais nitong palakasin ang traditional and alternative healthcare system sa bansa sa pamamagitan ng pagsusog sa Republic Act No. 8423 o ang “Traditional and Alternative Medicine Act (TAMA).”

Ang traditional and alternative healthcare, ayon sa nasabing batas, ay ang anumang “knowledge, skills and practice, other than those in the biomedicine, which is used in the prevention, diagnosis and elimination of physical or mental disorder.”

Kabilang sa mga gumagawa ng ganitong uri ng panggagamot ay ang mga manghihilot, albularyo, acupuncture practitioner, faith healer, herbalist, Chinese herbal medicine practitioner, hydrotherapist, unani practitioner at iba pa.

“Traditional and alternative healthcare in the country is not provided with adequate safeguards that will ensure the safety, the standardization, efficacy, quality and availability of the practice of the practitioners, clinics and training centers,” bahagi ng paliwanag ni Pacquiao sa kanyang panukala.

Nagkaroon na ng public hearing ang Senate committee on health sa panukalang batas ni Pacquiao at sa Senate Bill No. 2127 ni Senador Ramon Bong Revilla Jr.

Sinuportahan ng ilang senador at ng Department of Health (DOH) ang panukalang batas nina Pacquiao at Revilla.

“The growing interest in, and the increasing use of traditional and complementary medicine and its practitioners, such as faith healers, and herbalists, require government intervention to not only ensure safety of practice but also to encourage consumers to obtain services from qualified practitioners, clinics and training centers,” paliwanag ni Senador Bong Go, chairman ng komite.

“This is a relevant topic to discuss because as we know these services are prevalent in rural areas where these services are sometimes the only affordable and available source of health care,” dagdag pa niya.

Napag-alaman naman mula kay Annabelle De Guzman, Director General ng Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care (PITAHC), na sa 4 na pilot province na kanilang sinuyod ay umaabot sa 2,691 ang practitioners dito pero 1,479 lamang ang nagparehistro sa kanila.

“It implies that a lot of the unregistered practitioners may not have come up with the knowledge and skills required by the competence standards and guidelines for the accredited modality,” wika ni De Guzman.

“This poses a big risk to the community,” babala pa niya.

Wala ring ngipin ang Food and Drug Administration (FDA) na habulin ang mga pekeng practitioner dahil nakatutok lamang sila sa regulasyon ng lahat ng health products kasama na ang mga traditional medicine at herbal products.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *