Marijuana puwede nang itanim sa Italy

Marijuana puwede nang itanim sa Italy

Papayagan na sa Italy ang pagtatanim ng marijuana sa bahay matapos na aprobahan ng justice committee ng Kongreso ang reporma tungkol dito.

Apat lamang ang puwedeng itanim sa bahay para hindi makasuhan ng mga awtoridad.

Tinaasan naman ng mga mambabatas ang parusa sa pagtutulak ng iligal na droga, mula anim na taon ay gagawing sampung taon na pagkakulong.

Isa lamang ang Italy sa tatlong bansa sa Europa na pinayagan ang pagtatanim ng marijuana sa bahay para sa personal na paggamit.

Sa bansang Spain at Czech Republic, hanggang limang tanim na marijuana ang pinapayagan sa bahay.

Noon pang 2019 naglabas ng desisyon ang Supreme Court ng Italy na ang small-scale domestic cultivation ng cannabis ay ligal.

Sa Britanya, iligal ang pagtatanim ng marijuana, pagbebenta o pamamahagi nito kung saan ang lalabag ay pagmumultahin ng £2,500 (P172,859) at kulong pa ng limang taon.

Ipinagbabawal din sa Pilipinas ang paggamit, pagbebenta o kahit pagtatanim ng marijuana kung saan mas mahaba ang pagkakulong at mas mataas ng multang pinapataw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *