Pacquiao binira gobyerno sa palpak na diskarte vs COVID

Pacquiao binira gobyerno sa palpak na diskarte vs COVID

Tahasang sinabi ni Senador Manny Pacquiao na bigo ang gobyerno, partikular ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease na masugpo ang pagsirit ng COVID-19 sa bansa dahil sa “mismanagement.”

“Sa tingin ko hindi naman naresolba ang pandemya mas lalo pang lumala, pataas nang pataas ng mga cases ng infected [with] COVID. Talagang mismanaged, I’m sorry to say this but iyan ang nararamdaman ko,” diin ni Pacquiao nitong Lunes.

Ayon sa senador, dapat magpokus ang gobyerno sa malawakang pagbabakuna upang mapababa ang bilang ng namamatay at naoospital dahil sa coronavirus.

“Dapat mag-focus tayo sa massive vaccination dahil yan po ang nakikita ko sa ibang bansa bakit sila nakakapagbalik to normal na ang pamumuhay nila dahil yung focus nila is to vaccinate the people,” giit pa niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *