Roque tinakot naglabas ng ‘warla’ video: Pwede kasuhan ng IATF!

Roque tinakot naglabas ng ‘warla’ video: Pwede kasuhan ng IATF!

Pasok daw sa paglabag ng Data Privacy Law ang naglabas ng video kung saan makikita si presidential spokesperson Harry Roque na dinuduro at sinisigawan ang grupo ng doktor.

Ayon kay Roque, confidential umano ang nasabing meeting na lumabas sa publiko.

Makikita sa video na tila pinagalitan ni Roque si Philippine College of Physicians head Dr. Maricar Limpin dahil sa pagkontra ng mga health worker na luwagan ang quarantine restriction.

Saad ni Roque, pwede raw panagutin ang naglantad ng video sa paglabag sa Anti-Wiretapping Act at Data Privacy Law.

“Sa tingin ko po, liable, at liable din po for revealing public secrets. Pero hahayaan ko na po ‘yan sa IATF at ‘yan naman po ay napag-usapan sa IATF,” sambit ni Roque.

Ang naturang video ay ekslusibong nakuha ng Philippine Daily Inquirer mula sa kanilang source.

Humingi na rin ng tawad si Roque para sa kanyang paninigaw, ngunit aniya’y hindi siya magso-sorry para sa mensaheng gustong ipahatid sa grupo ng doktor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *