ALAMIN: Mga bawal sa Metro Manila sa Alert Level 4

ALAMIN: Mga bawal sa Metro Manila sa Alert Level 4

Magkakaroon ng bagong quarantine status ang NCR simula September 16, mula modified enhanced community quarantine (MECQ) ay ibababa na ito sa Alert Level 4.

Ito ang ikalawang pinakastriktong quarantine status na ipatutupad sa NCR, kung saan ilang katao ang hindi papayagan lumabas ng kanilang bahay.

Kasama dito ang mga edad 18 pababa, senior citizen, may sakit o immunodeficiency, at mga buntis.

Papayagan lang ang mga nasabing indibiduwal na lumabas para sa trabaho, o bumili ng mga pangangailangan.

Bukod pa rito, pwede ring magpatupad ang mga local government unit (LGU) na hindi payagan ang paglabas-masok sa kani-kanilang lugar.

Samantala, papayagan na ang al fresco dine-in sa mga restaurant sa 30 percent seating capacity.

10 percent capacity naman ang pahihintulutan sa indoor service, ngunit mga nakakumpleto ng bakuna ang papayagan dito.

Ang outdoor exercise ay pwede na rin basta’t kailangan ay nasa loob lang ng kani-kanilang barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *