Digong sa Senado: Pharmally durugin n’yo!

Digong sa Senado: Pharmally durugin n’yo!

Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Senado na ‘durugin’ ang Pharmally Pharmaceutical Corp. dahil wala na silang pakialam dito matapos madeliber ang mga inorder na medical supplies ngayong pandemic.

“We did not shell out anything before delivery. Para sa akin, tapos na kami. ‘Yong Pharmally na ‘yan pati droga, bahala na kayo. Wala akong paki-alam dyan sa Pharmally, gusto niyo — you can crumple Pharmally, wala kaming paki-alam dyan,” giit ni Duterte sa televised message nito kahapon.

“Basta ‘yong paki-alam namin, nag-order kami, dumating, tama ‘yong nag-order, tapos ang presyo it was negotiated. Ngayon meron kaming ilabas na all of these things were done in accordance with law even the pricing,” paliwanag pa ng Pangulo.

Tinatayang P12 bilyon ang nasungkit na kontrata ng Pharmally sa Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) sapul noong Marso 2020. Ang kompanya ay itinatag noong 2019 sa kapital na higit P600,000 lamang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *