Gins sasabayan ni Wright

Gins sasabayan ni Wright

Pipilitin ng defending champion Ginebra na makawala sa two-game skid laban sa Phoenix Super LPG sa second game sa Don Honorio Ventura State U sa Bacolor, Pampanga ngayon.

Tatlo lang sa walong laro ang naipanalo ng Gin Kings, para maituloy ang pagdepensa sa PBA Philippine Cup crown ay kailangang manalo hindi lang sa Fuel Masters kundi pati sa Alaska sa Biyernes at Meralco sa huling asignatura sa 11-game eliminations.

Mabigat din ang Phoenix, sumungkit ng back-to-back wins kontra Terrafirma at Blackwater para umangat sa 4-5.

Si Matthew Wright pa rin ang bumabandera sa Fuel Masters, kasama sina Justin Chua, Jason Perkins, Vic Manuel at Chris Banchero.

“I’m starting to finally find my touch in this gym,” bida ni Wright. “It took me a while, but I felt I finally broke that barrier.”

Gamay na ang basket ng Don Honorio Ventura State U gym, nag-average si Wright ng 15.5 points, 6.0 rebounds at 5.0 assists sa huling dalawang laro.

Pagkatapos ng Gins, San Miguel Beer naman ang isusunod ng Phoenix sa Biyernes.

“These next two games against two giants, that could be huge,” dagdag ni Wright. “But at the end of the day, it’s just basketball. And they got to guard us, too.” (VE)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *