“Kahit nasa gov’t tayo, hindi iyon privileged para sigawan mo isang tao” – DILG Sec. Año

“Kahit nasa gov’t tayo, hindi iyon privileged para sigawan mo isang tao” – DILG Sec. Año

Humingi ng paumanhin si Interior and Local Government Secretary Eduardo Año sa health sector matapos maging viral ang video ni Presidential Spokesperson Harry Roque kung saan sinesermunan ang grupo ng mga doktor sa virtual meeting ng COVID-19 task force noong nakaraang linggo.

“For me personally, I want to apologize to the health sector. That is an unfortunate event na hindi dapat nangyari,” wika ni Año sa CNN Philippines nitong Martes.

Sabi ng kalihim, may punto naman si Roque sa pagkontra nito sa suhestiyon ni Philippine College of Physicians president Dr. Maricar Limpin, pero ang pagkakamali ng tagapagsalita ay nagtaas ito ng boses.

“If I may say, ‘yung sinabi ni Secretary Harry Roque, ‘pag titignan mo may mga valid argument doon. Ang problema doon is the manner it was delivered. Siyempre ‘di ba kahit nasa government tayo, hindi iyon tinatawag na privilege para sigawan mo ang isang tao, magtaas ka ng boses.” paliwanag ni Año.

“Dapat cool lang tayo, let’s be open to all ideas in a professional manner. Iyon ‘yung para sa akin,” giit pa ng DILG chief.

Isiniwalat din ni Año na nagpatulong na siya sa National Security Council at National Intelligence Coordinating Agency upang hindi na maulit ang pag-leak ng video sa mga susunod na virtual meeting ng task force.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *