Mga purdoy bakunahan na- Digong

Mga purdoy bakunahan na- Digong

Sinisipat ng gobyero na palawakin ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa general public pagsapit ng Oktubre, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ilalim ng priority group sa immunization program ng gobyerno, una dito ang mga health worker at susunod ang mga senior citizen, may comorbidities, essential workers at iba pang bahagi ng populasyon ng bansa.

“I’d like the people to know we are studying the possibility of vaccinating the general adult population as early as October if there is a stable vaccine supply,” wika ni Duterte.

“Dapat unahin na natin ang walang-wala at mga mahirap,” giit ng Pangulo.

Umaasa ang gobyerno na makakakuha ng 61 milyong COVID bakuna sa pagitan ng buwan ng Setyembre hanggang Oktubre.

Umaabot na sa 59.7 milyong doses ng bakuna ang natanggap ng Pilipinas, kung saan naiturok na dito ang 38.7 milyon. Higit 17 milyon naman ang fully vaccinated o naturukan ng second dose.

Ang Pilipinas ang ikalawa sa may pinakamalaking kaso ng COVID-19 at namatay sa Southeast Asia.

Nitong Martes, 18,056 ang nadagdag na bagong kaso kaya lumobo sa 2,266,066 ang kabuuang tinamaan ng COVID-19 sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *