Nanay ng inaanak demanding! Ninang minalditahan sa hindi pagpapautang

Nanay ng inaanak demanding! Ninang minalditahan sa hindi pagpapautang

Trending ang post ng isang ninang kung saan sinupladahan siya ng nanay ng kanyang inaanak dahil mas inuna raw nito ang alahas kaysa pautangin siya.

Sa Facebook post ni Jenny Cadenas Torino, makikita ang conversation nila ng nanay ng kanyang inaanak kung saan pinuna nito ang nasa story niya na mga necklace.

Sey ng nanay, “Ang yabang mo na ah? Pero kapag inutangan laging walang pera.”

‘Dami pambili ng kung ano pero ‘di makatulong nung may sakit inaanak niya, awit sayo be.”

Depensa ni Jenny, hindi naman niya binili ang mga alahas, galing daw ito sa mga ‘hacks’ na ginagawa niya sa isang online shopping platform.

Bukod pa dito, tumulong naman daw siya ngunit hindi kayang magpautang dahil kailangan niya rin ng pang-tuition.

“Nung may sakit anak niya, I gave her money (no need to brag how much) tapos sabi niya kinabukasan baka pwedeng mangutang at nung sinabi kong wala akong mapautang dahil priority ang tuition fee, nagalit ang damot ko daw pero hinayaan ko na lang at the next day ay chat ng chat na naman pero hindi ko na nirereplyan, kasi nakakawalang gana replyan yung binigyan mo na nga e madamot ka pa din tapos hindi pa marunong magpasalamat,” lahad ni Jenny.

Nabigla na lang din daw siya noong kunin siyang ninang lalo’t hindi naman daw siya inimbita sa binyag ng bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *