NCR alert level 4 simula Sept. 16, curfew pinaikli rin

NCR alert level 4 simula Sept. 16, curfew pinaikli rin

Isasailalim ang National Capital Region sa Alert Level 4 simula bukas, Setyembre 16, sa panimula ng implementasyon ng bagong granular lockdowns laban sa COVID-19 pandemic, ayon kay Interior Secretary Eduardo Año.

“Alert Level 4 ang ipapatupad sa NCR,” wika ni Año nitong Martes.

Sinabi ng kalihim na napagkasunduan ng mga alkalde sa Metro Manila na isang alert level lamang ang ipatupad sa buong rehiyon.

Base sa nilabas na guidelines ng gobyerno, ang Alert Level 4 ang ikalawang pinakamataas na alert level kung saan tumataas ang kaso ng COVID-19 at ang mga kama at ICU beds ay nasa “high utilization rate.”

Ipinagbabawal dito ang paglabas ng taong may mababa sa 18 anyos, lagpas 65 anyos, may immunodeficiencies, comorbidities, at iba pang sakit, at mga buntis.

Pinapayagan sa Alert Level 4 ang outdoor o al fresco dine-in services sa mga restawran at karinderya pero dapat 30% lamang ang seating capacity.

Samantala, inanunsyo rin ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na ang curfew ay paiikliin na sa 10 p.m. hanggang 4 a.m simula sa Huwebes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *