UP-Diliman kinontra nominasyon ni Roque sa ILC

UP-Diliman kinontra nominasyon ni Roque sa ILC

Kinontra ng University of the Philippines-Diliman Executive Committee ang nominasyon ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa International Law Commission (ILC).

Ayon sa UP-Diliman panel, mababahiran lang ang reputasyon ng United Nations (UN) body kung tatanggaping miyembro si Roque.

Si Roque ay dating faculty member ng state university at nagturo ng international law doon sa loob ng 15 taon. Bukod sa pagtuturo sa UP, si Roque ay director din ng Institute of International Legal Studies sa UP Law Center at presidente ng Asian Society of International Law.

Sa 314th meeting ng UP-Diliman panel noong Lunes, nagkasundo silang kontrahin ang nominasyon ni Roque sa ILC.

“Atty. Roque has a very poor track record of promoting, defending, and fulfilling human rights and the rule of law, especially during the administration of President Rodrigo R. Duterte in which he serves as a cabinet member,” ayon sa statement ng UP Diliman Executive Committee.

“Therefore, his inclusion in the Commission would not serve its purposes but instead diminish the reputation of the body,” dagdag pa nila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *