Raffy Tulfo papasukin Senado, sali sa Lacson-Sotto tandem

Raffy Tulfo papasukin Senado, sali sa Lacson-Sotto tandem

Lumalakas ang ugong-ugong na papasukin na ni Raffy Tulfo ang mundo ng politika — kung saan magiging kaalyado niya sina Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson at Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto.

Sa report ng Abante Tonite, sinabi na tatakbong senador ang batikang mamamahayag sa ilalim ng tambalan nina Lacson at Sott, na may campaign slogan na ‘KKK’ na may ibig sabihin na ‘Kakayahan, Katapatan at Katapangan’.

Dahil dito’y mas lalo pang lumakas ang senatorial slate nina Lacson at Sotto, kung saan parte na ng tiket nila sina Sorsogon Gov. Chiz Escudero, dating Senador JV Ejercito, Antique Rep. Loren Legarda at DICT Secretary Gringo Honasan.

Kasama din sa pambato ng Lacson-Sotto sa Senado sina dating VP Jejomar Binay, ex-Comelec commissioner Gregorio Larrazabal, at mga re-electionist senator na sina Migz Zubiri, Richard Gordon at Joel Villanueva.

Bukod pa kay Raffy, ilan pang kamag-anak nito ang papasok din sa politika tulad ng kanyang kapatid na si Erwin Tulfo, na magiging nominee ng ACT-CIS party-list.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *