100K trabaho sa gobyerno buksan – CSC

100K trabaho sa gobyerno buksan – CSC

Kinalampag ng Civil Service Commission (CSC) ang pinuno ng mga ahensiya ng gobyerno na wakasan ang ‘padrino sytem’ upang makapasok sa trabaho ang maraming jobless ngayon sa bansa.

Sa pagtaya ni CSC Chairperson Atty. Aileen Lizada, higit kumulang sa 100,000 ang bakanteng posisyon sa gobyerno pero iniipit ito ng mga pinuno ng ahensiya para maipasok ang kanilang mga ‘bata.’

“I am encouraging the heads of agencies, please fill up, open and publish. Huwag na ho tayong mag-reserve ng mga posisyon, ibigay natin based on merit and fitness,” hirit ni Lizada.

Sa kasalukuyan aniya ay halos Job Orders (JOs) at Contact of Service (COS) ang mga nagtatrabaho sa gobyerno kaya hindi nakakatanggap ng karampatang suweldo at benepisyo at wala pang security of tenure.

“Maraming job orders at contract of services na nasa gobyerno pero hindi kinikilalang government employee, yun ho ang masakit. Nasa loob na ho sila pero hindi natin sila kinikilala. There are 100 thousand plus unfilled positions in government. CSC cannot open those vacant position, it is the head of agency,” paliwanag ni Lizada.

Marami aniyang bakanteng puwesto sa mga government owned and controlled corporations (GOCCs), state colleges and universities, local government units, government hospital at mga pangunahing departamento sa gobyerno.

“Lahat ng GOCCs, maraming unfilled position. Marami ang naghahanap ng trabaho kahit nasa state of calamity, government should respond, open up positions para maraming tumulong sa atin. Let us avoid yung sinasabing kulang ang trabaho,kulang ang mga tao, merong positions, just fill them up,” giit ni Lizada.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *