37-straight playoff run ng Gins delikadong maputol

37-straight playoff run ng Gins delikadong maputol

Pagkatapos ng 10 games, 4-6 lang ang Ginebra at nanganganib mapagsarhan sa playoffs ng PBA Philippine Cup sa Bacolor semi-bubble.

Kailangang ipanalo ng team ni coach Tim Cone ang huling laro kontra Meralco para umakyat sa 5-6 at umasang sasapat para makahabol sa quarterfinals at paypayan ang pagdepensa sa korona.

No. 8 lang ang pag-asa ng crowd favorites, kapag nakatabla ang Alaska ay magkakaroon ng playoff para sa last qualifier.

Pero kung matatalo ang Gins sa Bolts at magtatablahan sila ng Aces, Terrafirma at Phoenix sa 4-7, uuwi ang defending champions.

Pero kung Gins, Dyip at Phoenix ang magtatabla, laglag ang Terrafirma at playoff ang Ginebra at Fuel Masters.

Ginebra ang huling defending champion ng alinmang conference na hindi nakaalpas sa eliminations ng sumunod na torneo. Nangyari ‘yun noong 2005 Fiesta.

Ayon kay chief statistician Fidel Mangonon III, ‘yun ang huling pagkakataon na hindi pumasok sa playoffs ang Kings. Mula noon, bumawi ang Never Say Die team nang magtuhog ng 37 straight post-eliminations appearances – pinakamahaba sa liga.

Ang 2000 Shell squad ang huling all-Filipino champions na hindi nakabalik sa playoffs sa sumunod na edisyon ng import-less tourney. (VE)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *