Senado inaprub extension ng voter registration

Senado inaprub extension ng voter registration

Inaprobahan ng Senado sa ikalawang pagbasa ang panukalang batas para palawigin ang registration ng mga botante sa 2022 national at local elections hanggang Oktubre 31, 2021.

Lumusot ang Senate Bill No. 2408 sa sesyon ng Senado nitong Miyerkoles ng hapon.

Suportado ng lahat ng miyembro ng Senado ang panukala maliban kay Senador Aquilino “Koko” Pimentel III.

Noong nakaraang linggo ay inaprobahan din ng Senado ang resolusyon para sa extension ng voter’s registration pero binalewala lamang ng Commission on Elections (Comelec).

Kung aaprobahan ng Kamara at Senado at lalagdaan ng Pangulo ang panukalang batas, obligado ang Comelec na sumunod sa ipinag-uutos ng batas.

Binanggit ng mga senador na ang deadline na itinakda ng Comelec sa Setyembre 30,2021 ay binuo noong wala pang COVID-19 pandemic.

Dahil sa mga pinatupad na lockdown, ilang beses na sinuspinde ang registration bilang pagsunod sa health protocols.

Naghain na rin ng kahintulad na panukalang batas sina House Speaker Lord Allan Velasco, Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez, at Minority Leader Joseph Stephen Paduano sa ilalim ng House Bill 10261.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *