9 tulak arestado sa Cotabato

9 tulak arestado sa Cotabato

Siyam na drug personalities ang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon sa lungsod ng Cotabato noong Miyerkoles.

Sinabi ni Lt. Adones Guiambangan, hepe ng city police drug enforcement unit, na pitong indibidwal ang naaresto sa isang umano’y drug den sa Barangay Rosary Heights 9 dakong alas 12:30 ng tanghali noong Miyerkoles.

Kabilang umano sa naaresto ang pangunahing target ng operasyon na si Lorden Binayog, 24, residente ng naturang lugar, at ang anim nitong kasamahan.

Nakumpiskahan umano ang grupo ng halagang P10,000 shabu.

Dakong ala-una y media ng hapon ay naaresto naman ang isang 16-anyos na umano’y drug courier sa kalapit na barangay ng Rosary Heights 8. Sumunod na naaresto ang isa pang suspek na si Kamsa Solon sa Barangay Rosary Heights 3 dakong alas-2:00 ng hapon.

Nai-turnover na sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang menor de edad na suspek. (PNA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *