Face shield policy niluwagan

Face shield policy niluwagan

Maaari nang lumabas ang publiko na walang suot na face shield, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa Talk to the People nitong Miyerkoles ng gabi, sinabi ni Duterte na inoobliga lang ang pagsusuot ng face shield sa 3C category: crowded, closed and close contact.

“‘Yan tatlo na ‘yan, face shield is a must pa rin. ‘Yun ang recommendation. Labas sa tatlong limitations, puwede na na hindi gumamit,” wika ng Pangulo.

Noong Hunyo, pinatanggal na rin ni Duterte ang mandatory na pagsusuot ng face mask pero binalik din makalipas ang isang araw.

Sa liham na ipinadala ni House Speaker Lord Allan Velasco kay Pangulong Duterte noong Setyembre 20, 2021, binanggit nito na wala namang ebidensiya na mabisang proteksyon laban sa COVID-19 ang face shield.

Ang Pilipinas ang isa sa may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa Southeast Asia sa kabuuang 2,417,419 kaso kung saan 37,338 dito ang namatay at 162,580 ang aktibong kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *