Kahit sobrang hate ng mga basher: Kim marunong tumanggap ng pagkakamali

Kahit sobrang hate ng mga basher: Kim marunong tumanggap ng pagkakamali

Ayaw pa rin tantanan ng mga basher si Kim Chiu.

Marami pa ring hanash at emote ang mga taong namumuhi sa dalaga dahil nagkamali sa pag-quote ng isang biblical verse, na inamin naman niya.

Kulang na lang ay i-wish nila na maging asin si Kim o kaya naman ay tila balak nila itong sabuyan ng holy water para malaman kung matutunaw ito.

Pero kahit ano pa ang sabihin ng mga basher na sobrang hate si Kim, hindi naman maiaalis ang katotohanang marami pa rin ang nagmamahal at nagtatanggol sa tinaguriang Chinita Princess.

Sabi nga nila, marunong din namang umamin si Kim sa kanyang pagkakamali, a trait na lalong nagpapamahal sa kanya sa mga fan.

Iba pa rin naman kasi ‘yung marunong kang tumanggap ng pagkakamali kaysa dinedeadma mo lang ang issue kahit na alam mo naman na mali ka.

Kaya dapat lang purihin si Kim sa tapang niya to own up to her mistakes. (Ricky Calderon)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *