May depression? ‘Sometimes it’s ok to be human din’ – Jed

May depression? ‘Sometimes it’s ok to be human din’ – Jed

Ang mga post ni Jed Madela sa kanyang Facebook account na, “Sometimes, I stop and think if I’m still wanted… do people still want to hear this voice? Or is it time to keep it in a box?” at “Lost with no direction… My faith is shaking” kaya marami sa mga kaibigan at tagahanga ng singer ang nagdududang may pinagdaraanan siya.

Marami nga ang nagpahayag ng kanilang pagmamahal at pagsuporta sa Kapamilya singer.

Isa si Ogie Alcasid sa mga nag-comment sa mga post ni Jed.

“Bro, please know that I understand how you feel. Most especially during these times when people feel generally ‘lost’ (with three praying hands emoji). But, I must tell you that you are a tower of talent. A vocal powerhouse and a really kind soul. Let no one tell you otherwise. God bless you.”

Nagpadala naman ako ng message kay Jed sa pamamagitan ng Facebook Messenger na kaagad naman niyang sinagot.

“Depressed ka?” tanong ko kay Jed na sinagot niya ng, “Hmmmm, hindi naman… just one of those not so good days.”

“Pero, okey ka, ha? Take care,” sabi ko pa at sinagot niya ng, “Yep! Thank you.”

Sabi ko pa sa kanya, “Nag-worry kasi ang mga fan at mga kaibigan mo sa mga post mo.”

Sagot ni Jed, “Oo nga, eh. Dami nag-DM (direct message).

“Sometimes it’s ok to be human din… Hindi puwede itago na lang ang lahat ng mga saloobin.”

Samantala, ayon pa kay Jed, kahit may mga ganoong moment siya, hindi naman siya tuluyang nawawalan ng trabaho ngayong may COVID-19 pandemic.

Part pa rin naman daw siya ng ABS-CBN Sunday show na ‘ASAP Natin ‘To’. (Jun Lalin)

·

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *