Nang-hit and run todas sa poste

Nang-hit and run todas sa poste

Sa kagustuhang matakasan ang nakabanggaang motorcycle rider, nabangga ng isang lalaking nagmomotorsiklo ang isang poste sa Bakakeng Norte, Baguio City na naging dahilan ng kanyang kamatayan kamakalawa.

Ang nasawi ay nakilalang si Glen Jamil Padilla Elias, 24, residente ng naturang bayan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, galing umano si Elias sa Marcos Highway at patungo sa direksyon ng Bakakeng Sur nang makabanggaan nito ang isa ring nagmomotorsiklo sa Bakakeng Norte Jeepney Turning Point.

Tinakbuhan umano ni Elias ang kanyang nakabanggaan at sa pagmamadali nito ay nabangga niya ang isang poste ng kuryente at nagtamo ng grabeng pinsala sa katawan na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *