Phoenix nalibre sa talo ng Ginebra

Phoenix nalibre sa talo ng Ginebra

Walang Scottie Thompson at Japeth Aguilar, tumukod ang Ginebra 79-66 sa Meralco sa Don Honorio Ventura State U gym sa Bacolor kahapon.

May MCL sprain si Aguilar, nasa ilalim ng health and safety protocols si Thompson na nagbaon ng game-winning 3 nang sipain ng Gins ang Bolts sa semifinals ng Philippine Cup sa Clark bubble noong isang taon.

Tinapos ng Gin Kings ang eliminations sa 4-7, kabuhol ang Phoenix at Terrafirma. Out na ang Alaska (3-7).

Nilibre ng Ginebra ang Fuel Masters sa playoff para sa 8th at last slot sa quarterfinals.

Kung tinalo ng NorthPort ang Alaska sa second game kahapon, playoff ang Ginebra at Phoenix. Pero kapag tinalo ng Aces ang Batang Pier, Dyip at Fuel Masters ang maglalaglagan – exit na ang Gins at matatapos ang title defense sa all-Filipino.

Sa kabilang banda, No. 7 NLEX na ang katapat ng Meralco sa next round, twice-to-beat ang No. 2 Bolts.

“We really just want to have the momentum going into the playoffs,” ani coach Norman Black. “We didn’t want a loss going to the playoffs.”

Nagsumite ng parehong 15 points, 7 rebounds sina Alvin Pasaol at Mac Belo sa Meralco, dinomina ang Ginebra sa boards 63-36.

Umangas ang 19 points ni Stanley Pringle at 17 points, 14 rebounds ni Christian Standhardinger sa Gins. (VE)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *