‘Pinas kapos ng 92K doktor, 44,000 nars sa pandemic

‘Pinas kapos ng 92K doktor, 44,000 nars sa pandemic

Inamin ng Department of Health (DOH) na kapos ang Pilipinas ng 92,000 doktor at 44,000 nars ngayong COVID-19 pandemic.

“If we look at the shortages of physicians as yet with the current situation of COVID in the Philippines, we have a shortage of around 92,000 physicians, 44,000 nurses,” wika ni DOH Assistant Secretary Kenneth Ronquillo sa public hearing ng Kamara hinggil sa taunang deployment cap sa mga healthcare worker.

Ayon kay Ronquillo, kulang din ng 19,000 medical technologists, 14,000 pharmacists at 17,000 radiologic technicians at radiologic technologists.

Sinabi ng opisyal na ito ang naging basehan ng Department of Labor and Employment (DOLE) kaya pinairal ang 6,500 limit sa mga papayagang health worker na magtatrabaho sa abroad kada taon.

Unang pinairal ang ban sa pagpapadala ng health worker noong Abril 2020 sa panimula ng pandemya pero makalipas ang ilang buwan ay pinayagan ang pag-alis ng 5,000 health worker at ngayong taon ay tinaas naman sa 6,500.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *