2 tiklo sa mga boga sa Davao City

2 tiklo sa mga boga sa Davao City

Dalawang lalaki ang inaresto ng pinagsanib na puwersa ng pulis at militar makaraang makumpiskahan ng mga baril sa isang checkpoint sa Davao City noong nakaraang Sabado, Setyembre 25.

Batay sa ulat ng Philippine Army 10th Infantry Division (10ID), ang mga suspek ay sina Michael John Lantoria, 40, ng Carmen, Cagayan de Oro; at Sebastian Quiblat, 61, ng Opol, Misamis Oriental.

Nabatid na nagsasagawa ang mga tauhan ng Task Force Davao at Davao City Police Office ng checkpoint sa Barangay Lacson, Calinan District nang masabat ang dalawang suspek dakong alas 9:20 ng umaga ng Sabado.

Nang silipin ng mga awtoridad ang pick-up truck na sinasakyan ng mga suspek, nadiskubre ang 43 piraso ng 9mm baril, 18 piraso ng 12-gauge shotgun; isang caliber .38 pistol, at iba’t ibang magazine at ammunition.

Sinabi ni Colonel Darren Comia, commander ng Task Force Davao, na hindi nakapagpakita ng anumang dokumento ang mga suspek na magpapatunay na awtorisado silang magbiyahe ng naturang mga armas.

Nakumpiskahan din ng limang sachet ng shabu ang mga suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *