Kumunoy

Kumunoy

Sa aktuwal, nagwakas na ang krisis sa COVID.

Pero, ang krisis sa ekonomiya, ay isang walang katapusang kalbaryo.

NAGAGAMOT ang COVID at kahit magkasakit ka, bibihira na lamang ang naoospital.

Pwes, normal na.

ANG hindi normal ngayon ay ang kaliwa’t kanang “space for rent” kung saan, walang nangangahas na magnegosyo nang seryoso.

Wala nang salapi ang mga “customer o kliyente.”

Isang krisis ito na “walang bakuna.”

KAPANSIN-PANSIN pa rin na may nagbubukas ng negosyo lalo na ang “milk tea-milk tea”, pero hindi nagtatagal, nagsasarado rin.

Patuloy na dumaranas ng pagkalugi ang mga nagtatangkang mag-“self-employed.”

HINDI lahat ng tao ay walang pera, marami pa rin ay may nalalabi pang cash sa kanilang mga vault.

Pero, umiiwas silang magdeposit sa bangko.

Ibig sabihin, may lihim na “krisis din” sa banking industry at iba pang industriya.

MAY krisis pa rin sa transportasyon—bus, dyip, traysikel, eroplano at barko.

Matumal at wala pa ring pasahero.

MABAGAL ang galaw ng tao.

Mistulang kasali ang buong Pilipinas sa statue dance contest: Kung nasaan kang lugar, doon ka lang.

Kapag gumalaw ka, maari kang ma-COVID o malugi ang negosyo mo.

Ang gagalaw, mahuhulog sa kumunoy.

MARAMI pa rin ang hindi nakakaunawa sa sitwasyon na nararanasan natin ngayon.

Walang duda, ang resulta ng 2022 election ay maaaring kakaiba rin.

May sorpresa siyempre—ang mga botante.

ANG mga political analyst at political operators ay naga-analisa at nagbibigay ng opinion batay sa karanasan sa “pre-covid” period. Marami ang magkakamali rito.

KAHIT ang giyera-patani sa social media ay gasgas na ang diskarte.

Lahat naman kasi ay nakatutok sa social media. Pwes, ano ang bago?

Wala. Kung ano ang diskarte ng isa, siyempre gagayahin lang ng kabila.

Pare-pareho lang may socmed component, walang naiba.

NAKAKARANAS ang Pilipinas ng isang stagnant economy.

Nakabaon sa kumunoy ang ekonomiya ng bansa.

Paano ‘yan sosolusyunan ng magwawagi sa 2022 election?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *