Nasarapan sa batchoy: Pustiso nalunok ng binata

Nasarapan sa batchoy: Pustiso nalunok ng binata

Isang binata ang posibleng maoperahan makaraang malunok nito ang kanyang pustiso kamakalawa ng tanghali sa bayan ng Numancia sa Kalibo, Aklan.

Kasalukuyan nang under observation sa Aklan Provincial Hospital ang hindi na pinangalanang biktima, 24-anyos, na residente ng Barangay Pusiw, Numancia.

Batay sa ulat, napasarap sa pagkain ng batchoy sa pananghalian ang biktima kaya hindi nito napansin nalunok na niya ang kanyang pustiso na bumara sa kanyang lalamunan.

Agad naman itong naisugod sa pagamutan kung saan posible umano itong maoperahan sa lalamunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *