PNPA policies irerebyu dahil sa hazing

PNPA policies irerebyu dahil sa hazing

Ipinag-utos kahapon ni Philippine National police chief Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar na rebisahin ang rules and regulations at academic policies ng Philippine National Police Academy (PNPA) matapos ang pagkamatay ng isang kadete na dahil umano sa hazing.

“I have already directed the Director, PNPA PMGen Rhoderick Armamento, and Director, DHRDD (Directorate for Human Resources and Doctrine Development) PBGen Arthur Bisnar, to conduct the necessary review and adjustments on the existing rules, regulations and academic policies to further strengthen the moral foundation of our cadets in the PNPA,” pahayag ni Eleazar.

Nauna rito, namatay si Cadet 3rd Class George Carl Magsayo makaraang pagsusuntukin ng kanyang upperclassman na si Cadet 2nd Class Steve Ceasar Maingat bilang parusa.

Nag-collapse umano si Magsayo kaya dinala ito sa ospital kung saan idineklarang patay.

Hawak na ng pulisya sa kasalukuyan si Maingat at inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa kanya.

“Gusto naming malaman kung saan pa kami nagkulang at gusto din naming maintindihan kung bakit sa kabila ng mahigpit na babala, ay nangyari ulit ito at naging dahilan pa nang pagkamatay ng isang kadete,” ani Eleazar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *