5.7 magnitude na lindol sa Occ. Mindoro

5.7 magnitude na lindol sa Occ. Mindoro

Niyanig ng 5.7 magnitude na lingol ang Occidental Mindoro kahapon ng madaling araw kung saan naramdaman ang pagyanig sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang pagyanig na tectonic ang origin ay naramdaman dakong 1:12 ng madaling araw. Ang epicenter nito ay naitala may 18 kilometro sa northeast ng Looc, Occidental Mindoro at may lalim na 76 kilometro.

Ang pagyanig ay naramdaman sa lakas na Intensity IV sa Calatagan, Lian, Lipa City, Malvar at Nasugbu, Batangas; Malolos City at Obando, Bulacan; Cavite City, General Trias, Naic, Amadeo, Bacoor, Dasmarinas, Tagaytay City at Tanza sa Cavite; Biñan at Cabuyao, Laguna; Las Pinas City; Malabon City; Mandaluyong City; City of Manila; Marikina City; Muntinlupa City; Paranaque City; San Juan City; Taguig City; at Pateros sa Metro Manila; Abra De Ilog, Looc, Lubang at Mamburao, Occidental Mindoro; Baco, Naujan at Puerto Galera sa Oriental Mindoro; San Mateo at Taytay sa Rizal. Intensity III naman sa Santo Tomas, Batangas; Makati City, Pasay City, Pasig City, Quezon City; Valenzuela City; Santa Cruz, Occidental Mindoro; Antipolo City at Socorro, Oriental Mindoro at Intensity II sa Los Banos, Laguna; Palayan City, Nueva Ecija habang Intensity I sa Arayat, Pampanga.

Bandang ala-1:40 ng madaling araw ay naitala naman ang magnitude 4.5 na pagyanig may 19 kilometro sa northeast ng Looc.

Sinabi ni PHIVOLCS OIC and Science Undersecretary Renato Solidum Jr. sa isang interview na 112 aftershocks ang naitala dakong alas-5:00 ng umaga.

Sa paliwanag ni Solidum, magnitude 5.7 earthquake na naganap ay idinulot ng paggalaw ng Manila Trench. “Ang sanhi ng pagkilos diyan sa bandang Lubang Island at sa pagitan ng Calatagan, Batangas ay ang pagsuksok ng bato ng West Philippine Sea sa Manila Trench, isang earthquake generator na nagmumula sa Taiwan hanggang Mindoro,” aniya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *