DA sisilipin smuggling ng mga carrot

DA sisilipin smuggling ng mga carrot

Tiniyak ng Department of Agriculture na kanilang iimbestigahan ang sinasabing smuggling ng mga carrot sa bansa matapos itong ireklamo ng mga magsasaka at vendor.

Sa televised briefing nitong Lunes, sinabi ni DA spokesperson Noel Reyes na ipinagbabawal ang pagpasok sa bansa ng mga sariwang gulay dahil ang pinapayagan lamang ay frozen at processed mixed vegetables.

“Wala pong fresh vegetables na binibigyan ng permit mula sa ibang bansa kasama na po ang Tsina. Kasama na po rito yung fresh carrots. Ang binibigyan lang po ng permit ng Bureau of Plant Industry ay frozen mixed vegetables at processed lang po,” paliwanag ni Reyes.

“We’re saying na smuggled po yan, magkakaroon po ng joint task force, iimbestigahan po yan ng DA, DTI [Department of Trade and Industry], Bureau of Customs at BIR [Bureau of Internal Revenue] yun pong mga reported na presence ng fresh carrots dyan po, lalo na sa Divisoria,” dagdag pa niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *