Jabbar sa NBA: Sipain ang ayaw pabakuna

Jabbar sa NBA: Sipain ang ayaw pabakuna

Banta pa rin ang COVID-19 kahit sa NBA, pero may mangilan-ngilang players na ayaw pabakuna.

May abiso ang liga na kailangan vaccinated ang lahat ng maglalaro, pero nagbigay ng religious at medical exemption.

Nanawagan si Los Angeles Lakers legend Kareem Abdul-Jabbar sa liga na sipain sa kani-kanilang teams ang mga pasaway o matitigas ang ulo.

“The NBA should insist that all players and staff are vaccinated or remove them from the team,” ani Jabbar sa Rolling Stone. “There is no room for players who are willing to risk the health and lives of their teammates, the staff and the fans simply because they are unable to grasp the seriousness of the situation or do the necessary research.”

Isa sa wala pang bakuna si Golden State forward Andrew Wiggins, pero tinabla ng NBA ang hirit nito ng religious exemption.

Hindi rin makakapaglaro sa home games ng Warriors si Wiggins dahil sa order ng San Francisco Department of Public Health na kailangang vaccinated ang participants sa indoor events.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *