No practice, no problem si Cabagnot

No practice, no problem si Cabagnot

Parang hindi galing sa knee injury si Alex Cabagnot sa una niyang laro sa San Miguel Beer makalipas ang isang buwan.

Garahe si Cabagie sa huling pitong salang ng Beermen, hindi pa nakalaro sa Bacolor semi-bubble.

Hanggang nitong Linggo, sa unang tapak niya sa Don Honorio Ventura State U gym.

Vintage ang 38-year-old guard, ibinaon ang game-winner na nagtakas sa SMB 88-87 kontra NorthPort sa opener ng kanilang PBA Philippine Cup quarterfinals.

“I just got in last night. He (coach Leo Austria) could easily not play me today because of what’s going on,” anang kaliweteng guard na tumapos ng 20 points mula 7 of 13 shooting, may 3 rebounds sa loob ng 22 minutes.

Balik agad ang kumpiyansa ng Fil-Am dahil sa tiwala sa kanya ng coach at mga kakampi.

“I haven’t practiced, but he gave me the trust and he left me out there. To my teammates, siyempre they didn’t mind me playing this much minutes. Thank you to them,” dagdag ni Cabagnot.

Ganu’n din ang pakiramdam ni Austria, kahit katiting ay hindi nagduda sa kanyang veteran playmaker.

“He told me that hindi siya nagpabaya,” anang nine-time champion coach. “Alam ko na siya, alam ko ‘yung pagbalik niya, he will be in shape.” (VE)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *