19 seminarista at staff ng Ateneo de Manila na-COVID

19 seminarista at staff ng Ateneo de Manila na-COVID

Labingsiyam na seminarista at staff ng Ateneo de Manila University (ADMU) ang nagpositibo sa COVID-19.

Sinabi kahapon ni Fr. Emmanuel “Nono” Alfonso, SJ, executive director ng Jesuit Communications na isa sa mga pari ang dinala sa ospital habang ang iba naman ay pawang asymptomatic.

Sa interview ng Teleradyo, sinabi ni Fr. Alfonso na hindi pinapayagang lumabas ang mga seminarista kaya posibleng nanggaling ang virus sa mga staff members.

“Meron pong pumapasok siyempre ‘yung mga staff, kusinero, maintenance. ‘Yun po ‘yung suspicion ng aming doktor baka dun po nanggaling ‘yung virus,” pahayag pa ni Alfonso.

Sa ngayon umano ay naka-lockdown na ang tatlong gusali sa ADMU kabilang na Loyola House of Studies kung saan kumalat ang virus.

Lahat, aniya, sa ADMU campus ay nabakunahan na.

“‘Yun po kasing mga religious priests and seminarians nga, meron silang tinatawag na community life. Sama-samang kumakain, sama-samang nagsisimba kaya medyo ‘yun ang kailangan naming i-adjust,” dagdag pa ni Alfonso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *