Gilas no-match sa China

Gilas no-match sa China

Tumikim ng dambuhalang 143-52 loss ang Gilas Pilipinas sa world No. 7 China sa pagsisimula ng kampanya sa 2021 FIBA Asia Cup Women sa Amman, Jordan Lunes ng gabi.

Sa 4-3 lang nakadikit ang Filipinas sa unang basket ng laro – ang 3-pointer ni Ria Joy Nabalan. Mula roon ay puro palabas ng Chinese na.

Siyam na puntos lang ang kinaya ng Gilas sa third kumpara sa 39 ng kalaban.

Si Afril Bernardino ang namuno sa kampanya ng Pinays sa isinumiteng 17 points mula 8 of 16 shooting, 7 rebounds, 2 assists, 2 steals at 2 blocks.

Maagang na-foul trouble ang nag-iisang lehitimong center na si Clare Castro, nagkasya lang sa 5 points, 1 rebound bago na-fouled out higit 6 minutes pa sa laro. Outrebounded ang Filipinas 55-23.

Bulto ng puntos ng China ay mula sa 52 assists na binigay ng 11 players.

Walong Chinese ang umiskor ng 10 pataas sa pamumuno ng 21 ni Liwei Yang .

Babalik ang team ni coach Patrick Aquino para harapin ang bigatin ding Australia sa Gameday 2 sa Group B ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *