Julian Ongpin iginiit na hindi sila nag-away ni Bree Jonson

Julian Ongpin iginiit na hindi sila nag-away ni Bree Jonson

Iginigiit umano ni Julian Ongpin na hindi sila nag-away ni Bree Jonson sa La Union bago ito natagpuang walang buhay.

Ayon kay Police Regional Office 1 Regional Director Police Brigadier General Emmanuel Peralta, sinabi ni Ongpin sa mga imbestigador na hindi sila nag-away sa halip ay inawat lamang niya si Bree sa pag-inom ng wine na siyang nakuhanan ng CCTV.

Ayon pa umano kay Ongpin, sinabi niya kay Bree na balak niyang mag-abroad pero pinipigilan siya nito.

Nakaupo umano si Ongpin sa labas ng kanilang kuwarto sa resort at umiinom ng wine nang lumabas si Jonson at kausapin ang lalaki.

Nakita pa umano sa CCTV na uminom ng wine si Bree bago pumasok sa loob ng kuwarto na mistulang may pinag-awayan sila ni Ongpin.

Sa ulat naman ng GMA, hindi pa rin kumbinsido ang ina ni Bree na walang kinalaman si Ongpin sa pagkamatay ng kanyang anak.

“Panagutan niya ang kasalanan niya sa paggamit ng drugs and para matigil na niya, dahil matagal na siyang gumagamit ng drugs. Baka meron pa siyang masaktang panibagong tao, babae, at mayroon na namang panibagong ina na iiyak,” pahayag pa ni Sally Jonson, ina ni Bree.

Nahaharap si Ongpin sa kaso matapos makuhanan ng cocaine sa loob ng kanilang kuwarto sa resort. Nagpositibo rin ito sa paggamit ng droga base sa drug test.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *