LeBron No. 1 sa dunk hit list ni Morant

LeBron No. 1 sa dunk hit list ni Morant

Sa liksi at lakas tumalon ni Ja Morant, manaka-nakang nag-de-deliver ang Memphis Grizzlies guard ng payanig na dakdak sa mga laro.

Mas mainam ang kanyang mga pasa bilang playmaker, pero kaya ding magpa-wow sa high flying dunks.

Sa interview ni Taylor Rooks ng The Athletic, tinanong ang third-year player kung sino ang gusto niyang i-posterize sa slam.

“LeBron,” walang gatol na sagot ni Morant.

Kung sakali, alam na agad ni Morant kung saan niya ilalagay ang poster.

“I’d probably get that poster and, like, just put it in soon as you walk in my house, right? I’d probably have it all over the wall. Like just cause it’s LeBron.”

Si LeBron James pa rin ang sukatan ng bagong henerasyon. Si 22-year-old Morant, lumaking si LeBron, 36, ang nakitang pinakamaangas sa court.

“I could do a regular dunk and I’ll be screaming for about three or four seconds and be behind the play,” dagdag ni Morant. “So if I actually dunk on LeBron, I probably would get a tech.”

Papasok na sa kanyang 19th season si James, pero hindi pa nasasaid ang tangke ng Lakers superstar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *