Madlang pipol, bagets tuturukan na sa Oktubre

Madlang pipol, bagets tuturukan na sa Oktubre

Simula Oktubre, magsisimula na ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa general adult population at mga bata, ayon sa Malacañang.

Ito’y matapos na aprobahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ni vaccine czar Carlito Galvez Jr.

“Magsisimula na po ang pagbabakuna sa general population itong buwan ng Oktubre,” wika ni Presidential Spokesperson Harry Roque nitong Martes bagamat wala pa umanong detalye sa hakbang na ito.

Tiniyak naman ni Roque na hindi masasapawan sa pila ang limang priority groups – ang health workers, mga senior citizen, may comorbidities, essential workers at indigents dahil sa magkakaroon sila ng express lane.

Hinikayat ng opisyal ang mga magulang na iparehistro na sa vaccination program ang mga menor de edad nilang anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *